Vlogger, nasabunutan ng asawa ng lalaking pinaki-usapan niyang magbuhos sakanya ng tubig para sa “NO BRA ICE BUCKET” Challenge

Source: Amber Lin Vir@l ngayon sa social media ang video ng isang babaeng vlogger matapos masabunutan ng asawa ng lalaking pinakiusapan n...

12969

Vir@l ngayon sa social media ang video ng isang babaeng vlogger matapos masabunutan ng asawa ng lalaking pinakiusapan niya lang na magbubuhos sa kaniya ng “ice bucket” para sa isang challenge.

           Sa post ng “Gold Vines PH” sa kanilang Facebook page, mula kay “Amber Lin” ang nasabing video. Sa una ay makikita ang isang babae – na marahil ay ang vlogger – na tila nahihiya pang lumapit sa isang lalaking kararating lamang sa isang convenience store. Tinanong niya ito kung puwedeng siyang kunin upang magbuhos ng “ice bucket” para sa kaniyang gagawing challenge.

Source: Amber Lin

           Pumayag naman ang lalaki at tinanong kung saan nila ito gagawin. Itinuro lamang ng vlogger ang isang puwesto sa harapan ng nasabing convenience store. Matapos nito’y kinuha niya mula sa kaniyang sasakyan ang isang timba na naglalaman ng ibubuhos sa kaniya.

           Ilang sandali lamang ay ginawa na nga ng vlogger ang nasabing “ice bucket” challenge sa tulong ng pinakiusapang lalaki. Subalit matapos nito’y bigla na lamang may lumapit na babae – na marahil ay asawa ng lalaki – at pinaghahampas ang kaniyang asawa. Binalibag niya rin ang timbang ginamit kani-kanina lamang.

           Sinubukang awatin ng vlogger at ang kasama nitong nagvi-video ang lalaki at ang asawa nito. Nakalayo naman ang lalaki mula rito subalit ang vlogger naman ang sinabunutan ng babae.

           Sa susunod naman na bahagi ng video, humingi ng pasensiya ang vlogger dahil hindi niya raw inaasahan ang pangyayaring iyon; hanggang sa mga oras na raw na iyon ay nanginginig pa rin siya.

Source: Amber Lin

           Umuwi na raw ang dalawa subalit bago nito’y ipinaliwanag naman daw ng vlogger ang nangyari. Hiling niya lang daw na sana, hindi sila magkagulo hanggang dumating sila sa kanilang tahanan. Muli namang humingi ng kapatawaran ang vlogger.

Source: Amber Lin

           Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

           “Ice bucket challenge with extra sabunot. dko alam kng mtatawa ako o maawa ako..

           “lukarit ka kasi. mga kabataan ngayon wala ng tamang attitude. dapat nagdala ka na din ng sabon at shampoo. papansin…….

           “galawang malandi kasi hahaha serves you right buti dika tnulak sa kalsada hahaha.

           “Hindi nmn kalandian yan kasi vloger po yan eh alam nya ginagawa nya if mapaphiya sya o hindi atsaka dun sa asawa grabe nmn walang manners Di ata sya nanunuod NG you tube challenge nga eh . Dapat challenge nya self nya try to respect his husband in public places may Lugar dapat ang pag seselos Di yung susunggab agad do moa lam ang buong storya mag tanung ka muna misis Di sabunot agad.

           “Grabe naman si ateng sugod agad di ba pde mag tanong muna wala naman mali ginawa yun vloger hahahaha naawa ako sa vloger.

           Sa ngayon ay mayroon ng higit 186,000 reacts, halos 27,000 comments at higit 52,000 shares ang naturang post.