Sinɠle Dad, Viral Matapos Nitonɠ Maɠbihis Pambabae Makasali Lamanɠ Sa School Event Nɠ Kaniyanɠ Anak

Single Dad, Viral Matapos Nitong Magbihis Pambabae Makasali Lamang Sa School Event Ng Kaniyang Anak

318

Alam naman natin na mayroong isang okasyon na ginaganap sa paaralan para magbigay-pugay at magpasalamat sa maraming mga ina.

Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang larawan ng isang ama na nakasuot ng bistida na pink at mayroong pink na ribbon sa buhok nang sa gayon ay hindi mapag-iwanan ang kaniyang mga anak dahil sa kawalan nila ng iba.

Kung ang iba ay pinagtatawanan at hinuhusgahan ang ama na ito dahil sa kaniyang ginawa, marami naman ang pumuri at naantig sa kaniyang ginawa para sa kaniyang mga anak upang maramdaman ng mga ito na wala silang ina sa ginawang pagdiriwang ng kanilang paaralan para sa mga ina.

 

Ang ama ay nakilala bilang si Chatchai Parn-uthai. Dalawang taon na din ang lumipas simula nang maghiwalay sila ng kaniyang asawa. Bilng isang single dad, maraming mga pagsubok at hirap ang kaniyang hinarap ngunit parati niya pa ding inuuna ang karapatan ng kaniyang mga anak.

Dahil sa wala ng ina ang kaniyang mga anak, napagdesisyunan niyang maging “Ina” sa mga ito at magbihis pambabae para sa “Mother’s Day Celebration” ng kanilang paaralan.

 

Ang Mother’s Day ay ipinagdiriwang sa Thailand tuwing ika-12 ng Agosto bilang pagpapasalamat at pagpupugay na din sa kaarawan ng kanilang reyna na si Queen Sirikit o klala bilang “The Mother of all Thai People.”

Sa okasyon na ito sa paaralan, kinakailangan ng mga bata na magkaroon ng ina na kanilang makakasama sa naturang okasyon sa kanilang paaralan.

Ang video at larawan ng isang ama ay kaagad kumalat sa social media at umani ng mahigit na limang milyong views makalipas lamang ang ilang oras matapos itong ibahagi sa social media. Marami naman sa ating mga netizens ang namangha at humanga sa ginawang ito ni Chatcai dahil handa siyang magsakripisyo at gawin ang kaniyang makakaya para lamang sa kaniyang mga anak.