Perang inipon sa Alkansyang gawa sa Kawayan sinira ng anay!

220
Perang inipon sa Alkansyang gawa sa Kawayan sinira ng anay!

Source: Walwal Facebook

Source: Walwal Facebook Likas na sa ating mga Pilipino ang ugaling mag-ipon. Sa mga pagkakataong kagaya ngayon, may pera parin tayong …

Likas na sa ating mga Pilipino ang ugaling mag-ipon. Sa mga pagkakataong kagaya ngayon, may pera parin tayong madudukot. Sabi nga ng kasabihan “Kung may isinuksok, my madudukot”.  Siguro ay tinuruan din kayo ng inyong mga magulang na mag-ipon sa alkansiya.
Nauuso rin mga challenge tulad ng “Ipon Challenge”. Ibat-ibang uri ng pagiipon ang ginagawa natin mapa-barya man ito o papel na pera.

Isa sa mga karaniwang alkansiya na ginagamit ay iyong gawa sa kawayan. Dahil sa mura na, eco friendly pa ang mga ito. Pwede narin kasi dito pagkasiyahin ang barya at papel na pera.

Source: Walwal Facebook

Ngunit kamakailan lang ay nag-viral ang post ng facebook page na Walwal, dahil sa mga babala nito sa mga gumagamit ng alkansiya gawa sa kawayan. Ayon sa post, “Huwag maglagay ng perang papel sa bamboo na alkansiya, Coins lang para di anayin.”

Kita sa mga larawan na ibinahagi ang isang alkansiya na gawa sa bamboo na binahayan na ng anay. Kasama narin nasira dito ang mga perang laman nito. Ang pinag-ipunang pera ay tila nabaliwala dahil kulang nalang ay maagnas ang mga ito.

Source: Walwal Facebook

Ang masakit pa ay hindi lamang barya ang laman nito, meron ding tig-iisang libo na kasama sa ipon at inanay din. 

Kaya ganoon nalamang ang babala ng mga netizens sa mga gumagamit nito dahil napakasakit makita na mapupunta lamang sa wala ang perang pinaghirapan.

Source: Walwal Facebook

Hindi rin malinaw kung tatanggapin at papayag bang palitan ng mga bangko ang perang nasira.

Source: km_jessica_soho Twitter

Ano sa tingin niyo? Please share para maging aware ang ating mga kakilala.