Mister , binidyuhan si Misis habang kinakawawa.

2520

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action – Youtube Channel

Marami ang nag-tag sa “Raffy Tulfo in Action” sa isang viral video sa social media tungkol sa post ng babaeng sinasaktan umano ng kaniyang mister sa harap pa mismo ng kanilang anak. Kinilala ang misis na si Melissa Ng.

Hindi man makita nang buo sa video, ngunit halata sa mga sigaw at tunog ng mga pananakit na sinasaktan ng lalaki si Melissa.

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action – Youtube Channel
Sinasabihan daw niya ang kaniyang asawa noong July 26, tungkol sa pagiging tambay at bisyong pag-inom nito. Buntis daw si Melissa at may anak pa silang special child. Natatakot daw kasi siyang baka maging “carrier” ng sakit ang kanyang asawa at baka mahawa raw sila ng kaniyang anak. Pero hindi raw ito nakikinig at nagagalit pa raw sa kaniya.
“Kaya gusto ko na po sanang umuwi sa nanay ko. Nag-alsabalutan po ako. Ayaw niya po ‘kong paalisin.”
Doon na raw nag-umpisang magalit ang lalaki at hinihila-hila ang kanyang kamay upang pigilan na umalis.
Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action – Youtube Channel
Nang tinanong kung ano ang tinutukoy ng lalaki na kagatin ni Melissa sa video, sinabi niyang pinapakain daw siya nito ng mga maong shorts, panty at iba pa. Bilang ganti na lamang daw, kinakagat na lamang daw ni Melissa ang daliri ng kaniyang mister – hindi niya kasi kayang labanan ito sapagkat nakataling pareho ang kaniyang mga kamay at paa.
Kinumpirma rin ni Melissa na ang mister niya mismo ang nagvi-video habang sinasaktan siya nito. Nang tinanong kung ito ba ang unang beses na ginawa ito sa kaniya ng kaniyang mister, sagot ni Melissa, “Maraming beses na po. Nananahimik lang ako kasi, ano, gusto kong mabuo ‘yong pamilya ko. Kaya tumitira pa rin po ako sa isang bahay kasama siya.”
Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action – Youtube Channel
Subalit sa ngayon daw ay nasa poder na ng kaniyang ina si Melissa.
Napansin nga ni Raffy Tulfo na hanggang ngayon ay putok pa rin ang kaniyang labi. Kinumusta niya rin kung nagpa-medical na ba si Melissa; sa kabutihang palad ay nakapagpatingin naman na raw ito sa doktor.
Sunod na nakausap ni Tulfo ang asawang lalaki na kinilalang si Victor Ng, Jr.
“Naku, Sir, naku, Sir. Kulong ka rito, Sir. Sa maniwala ka’t sa hindi,” bungad ni Tulfo.
Ipinakausap ni Tulfo si Victor kay Melissa. Inamin niya ang mga inirereklamo sa kaniya ni Melissa at hindi niya raw ito itinatanggi dahil totoo naman daw na nangyari ang mga ito.
Hindi niya raw inaasahan na magiging gano’n ang kalalabasan ng video dahil ini-record niya lamang daw ito bilang pandepensa sa kaniyang sarili. At nang mapanood nga niya ito ay napagtanto niya raw na tila hindi siya ang lalaking nasa video.
“Sana maintindihan mo kahit papaano, na hindi ko sinasadya ang mga nagawa ko sa’yo. Saka sa mga naipakita ko sa mga anak natin.
Kung anuman ‘yong magiging desisyon mo, rerespetuhin ko ‘yon dahil ikaw ‘yong asawa ko. At talagang masakit or mabigat sa’yo na patawarin pa ako,” aniya.
Nang tinanong ni Tulfo kung ano ang reaksiyon dito ni Melissa, maluha-luha siyang tumugon na pareho lamang daw ang isinasagot ni Victor sa kaniya kahit pa noong una-unang beses na sin@ktan siya nito – na hindi raw niya sinasadya.
Binalikan ni Tulfo ang sinabi ni Victor – na ito raw ang malalang nangyari sa kanilang mag-asawa. Kaya kapag pinatawad daw ito ni Melissa, tiyak daw na may mas malala pang mangyayari sa susunod.
Tugon naman ni Melissa, “Kaya nga po, e. No’ng binubugb0g po nga niya ako, akala ko mamamatay na ako.”
Tinanong naman ni Tulfo si Victor kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa sinabi niyang v-in-ideo niya lamang ito bilang kaniyang depensa.
“Ikaw na nga ‘yong nambubugbog dito, ikaw pa ‘yong nag-video para sa depensa mo? Pakipaliwanag, Sir,” ani ni Tulfo.
Pagpapaliwanag ni Victor, nais niya lamang daw i-video ang mga totoong nangyari habang nag-aaway sila ni Melissa. Para lamang daw ito sa kaniya subalit na-access daw ng kaniyang asawa ang nasabing video kaya nagamit daw ito laban sa kaniya. Subalit hindi niya raw inaasahan ang mga mangyayari noon dulot na rin ng tensyon na namamagitan sa kanila.
Habang nagpapaliwanag si Victor, sumingit si Tulfo at sinabing maaari raw ikamatay ni Melissa ang ginawa nito sa kaniya – sumisigaw siya habang sinaksakan nito ng kung ano-anong damit at nakatali pa ang kaniyang mga kamay at paa. Mabuti na nga lamang daw at hindi na-suffocate si Melissa.
“Tapos nakatuhod pa po siya sa likod ko,” dagdag pa ni Melissa.
“Oh! Kita mo ‘yan?” tugon ni Tulfo.
Hindi raw ito itinatanggi ni Victor. Subalit hindi naman daw tumagal ng higit 30 segundo hanggang isang minuto ang nangyari dahil nakatakas daw si Melissa at tumigil na sila. Saka raw nila tinawagan ang ama ng babae upang tanungin kung paano isi-settle ang nangyari. Pinayuhan daw silang hayaan na raw si Melissa na umuwi sa kaniyang ina dahil malala na nga raw ang nangyari sa kanilang dalawa.
Matapos nito’y napamura si Tulfo dahil tila iniinsulto raw sila ng Police Department ng San Jose del Monte sa Bulacan dahil bakit daw radio operator ng isang civilian employee ang ipinakiusap sa kanila hinggil sa kasong ito.
“Mawalang-galang na sa radio operator, sorry po. Aakyat kami. I’m so sorry, I’m so sorry. Mainit ang ulo ko dahil para sa’kin, hindi katanggap-tanggap itong nakita kong video…” ani ni Tulfo.
Muling nagsalita si Melissa at sinabi niyang pinagsisipa pa raw siya sa tiyan kahit na alam daw ni Victor na mahina ang kapit ng bata sa loob ng kaniyang sinapupunan. Napahawak na lamang sa ulo si Tulfo habang sinasabi ito ni Melissa.
“Alam mo… Sorry, Sir Victor ha? Grabe itong ginawa mo, Sir.
Nakakainit ng ulo Sir,” komento ni Tulfo.
Humingi ng pasenya si Victor kay Tulfo subalit sinabi niyang wala siyang problema rito. Muling binalingan ni Tulfo si Melissa at sinabing kung siya ang nasa puwesto ngayon ni Melissa, kahit na patatawarin niya ang kaniyang asawa ay itutuloy niya raw ang kaso laban dito.
Ibinahagi naman ni Melissa na nasampahan na raw ng kaso si
Victor ng NBI kaugnay sa Anti-Violence against Women and Children nitong July 29. Ito raw ang unang kasong isinampa ni Melissa laban kay Victor.
“Ano pong reaksyion niyo dito, Sir? … Kung ako tatanungin niyo Sir, makukulong talaga kayo rito, maliban na lang kung makikipag-areglo si Misis. At ang gagawin ko kay Misis, susulsulan ko ‘to araw-araw na huwag makipag-areglo. Believe me, believe you,” ani Tulfo.
Nang tinanong ni Tulfo kung bakit ito nagawa ni Victor sa kaniyang asawa, dulot na raw marahil ng stress at depression dahil sa C0VID-19 pandemic – pareho raw kasi silang walang trabaho at umaasa lamang sa mga binebentang gamit. Dagdag pa niya, hindi raw “tama” ang terminong ginamit ni Melissa na tinadyak-tadyakan niya ito sa tiyan. Maaari na baka naitulak niya lamang niya ito.
Nang tinanong si Melissa kung ano ang reaksyion niya sa sinabi rito ni Victor – na depress at stress lamang siya dulot ng pandemya, sagot niya, “Sir kahit no’ng maayos pa ‘yong buhay namin, binubugb0g niya na ako.”
Kinupirma rin ni Melissa na higit sampung beses na raw siyang sinakt@n ni Victor at ang lahat ng ito ay nangyari raw nang wala pang kumakalat na pandemya.
“Huwag mong gawing dahilan ang pandemic. ‘Pag ‘yan binigyang dahilan mo sa judge, naku, baka mamumura ka ni Judge,” sabi na lamang ni Tulfo. Binigyan niya pa ng payo si Victor na sabihin sa kaniyang abogado na huwag gawing dahilan ang pandemic kung bakit niya nabugbog ang kaniyang misis.
“Talo ka na agad. Gusto ko, medyo maganda-ganda ang laban,” dagdag pa ni Tulfo.
Nang hiningi na ang mensahe ni Melissa para kay Victor, sabi niya: “Magharap na lang tayo sa korte ta’s pagsabihan mo ‘yong nanay mo, ha? Kasi po sinasabihan pa ako ng nanay niya na pasalamat na lang daw ako na pinakasalan pa ako ng anak niya, e. na binigyan ako ng magandang buhay kahit may anak na ‘ko.”
Bulalas ni Tulfo, “Ay, bonjing ‘to.”
Humingi naman ng kapatawaran si Victor sa kung anong sinabi ng kaniyang ina. Pinagsabihan niya na rin daw ito na huwag nang magsalita dahil hindi naman daw makatutulong.
Ibinahagi rin ni Tulfo na sinasabi raw ng mga netizens na maghanda na raw si Victor sapagkat inihahanda na raw nina “Dagul” at “Peryong” ang kanilang mantika – mga terminong ginagamit ng mga taong kalye na tumutukoy sa mga presong nag-aasawa ng mga lalaking nambubugbog sa mga babae.
Sa huling bahagi ng video, tinanong ni Tulfo si Melissa kung paano raw sila nagkakilala ni Victor. College schoolmate niya raw ito.
Noong naghiwalay raw sila ng kaniyang unang partner, nagme-message na raw ito sa kaniya – sinasabi niya pa nga raw niya noong una na hindi raw siya nananakit at mahilig siya sa mga bata.
Nang tinanong kung ano sa tingin niya ang nagpapagalit dito, sagot ni Melissa: “Kapag pinagsasabihan ko po siya. Ayaw niya pong pinagsasabihan siya.”
“Gumagamit po ba siya ng ipinagbabawal na gamot?”
“Hindi ko po alam. Pero nakitaan ko po siya dati ng cocaine sa bag niya,” pag-amin ni Melissa. Itinanggi raw ito ni Victor at sinabing sa kaibigan niya raw ito.
“A, wala na. Alam na this,” sagot na lamang ni Tulfo.

Source:  Raffy Tulfo in Action – Youtube