Mga Pulis Ibinahagi Ang Kanilang Personal Na Pera Para Maipatayo Ang Bahay Ng Matandang Babaeng

28

Karamihan sa atin ay iniisip maraming mga pulis ang masasama na laging sinasamantala ang kanilang awtoridad laban sa mga inosente at walang magawang mamamayan. Ngunit sa kabila nito, mayroon pa din ilang mga pulis na mabubuti ang puso at gumagawa ng maraming bagay na lampas na sa kanilang tungkulin.

Katulad na lamang ng ginawa ng mga pulis na ito sa isang matandang babae na naninirahan lamang sa sira-sira ng bahay. Ang viral post ay ibinahagi sa Facebook page na “I Love PNP.”

Ang naturang post ay mayroong kaakibat na mga larawan ng ilang mga pulis na nagtulong-tulong sa paggawa ng bago at mas ligtas na bahay para sa 98 taong gulang na babaeng ito. Marami naman sa ating mga netizens ang humanga sa mga kapulisan na ito dahil sa ginawa nilang kabutihan nang hindi humihingi ng anumang kapalit.

 

Ang matandang babae ay nakilala bilang si Lola Celerina Ibus Villa mula sa Brgy. Labut, Badoc Ilocos Norte. Ang kaniyang kwento ay kaagad naging viral sa social media nang malaman ng isang netizen na siya ay naninirahan sa 2-story na bahay na tila konting ulan na lamang ay masisira na ito.

Ang kaniyang ay napakadelikado na para sa kaniya dahil na din sa kaniyang edad. Siya ay may dalawang anak na lalaki ngunit sila ay matatanda na din para tignan siya at wala ding sariling pamilya ang mga ito na mag-aalaga sa kanila. Kaya naman lubos ang kahirapan na pinagdadaanan nila ngayon.

Matapos malaman ang nakakaawang sitwasyon ng matandang babae, kaagad namang nagtulong-tulong ang mga kapulisan ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 at naglikom din sila ng pera para makabili ng mga construction materials na kanilang kakailanganin para maipagawa ang bagong bahay ni Lola Celerina.

Marami naman sa ating mga netizens ang pumuri sa kabutihang ginawa ng mga kapulisan na ito sa matanda.

Ang ilan naman ay hindi mapigilan na mag-alala at mangamba sa kalagayan ng matandang babae pati na din sa dalawa nitong anak.

Ang kwentong ito ay patunay lamang na ang “Bayanihan” ng mga Pilipino ay buhay pa din magpa hanggang ngayon. Tiyak na naging inspirasyon ang kwento ni Lola Celerina at mga kapulisan sa maraming tao na tumulong sa nangangailangan.