Mga Migratory Birds, Natagpuan Sa Manila Bay Matapos Itong Malagyan Ng White Sand

690

Sa kabila ng mga batikos na natatanggap ng pamahalaan para sa White Sand Project sa Manila Bay, parami naman ng parami ang mga tao ang nagpapahayag ng kanilang suporta para sa pagpapaganda ng naturang lugar.

Sa ngayon ay matagumpay ng nailagay ang mga white sand sa Manila Bay at ngayon lamang ngang Sabado, Setyembre 19, ay binuksan na din ng mga awtoridad ang ilang parte ng Manila Bay sa publiko bilang selebrasyon sa International Coastal Cleanup Day.

At ngayong araw lamang din nga ay kumakalat ang larawan ng mga migratory birds na makikitang nasa dalampasigan ng Manila Bay “white sand beach”.

Sa mga larawan, makikita ang ilang mga migratory birds na palipad lipad sa Manila Bay.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang namangha sa naturang larawan at bumilib sa naisip ng pamahalaan na lagyan ng white sand ang Manila Bay dahil mas lalo itong gumanda at talaga naman ngang makakakuha ito ng turista dahil sa ibang itsura na nito ngayon.

Marami ding mga netizens ang natuwa dahil tila muli ng bumabalik ang ganda na mayroon ang Manila Bay katulad noon. Hiling naman ng ilan na sana ay alagaan ng publiko ang naturang lugar matapos nitong sumailalim sa rehabilitation.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

“dati mga basura ang makikita mong lumilipad sa manila bay ngayun mga puting ibon na senyales na malapit na bumalik sa angking ganda ng dagat”

“Wooow amazing  galing talaga ng naka isip na ganyan gawin sa Manila bay  astig pang laban na sa boracay coconut  tree nalang kulang ”

“Maging ang mga ibon ay nagagalak sa ganda ng tanawin. Yung mga anti na nagpupuna at nagpapahinto whag sana nilang ipakkait ang ganyan kaganda sa mga manilenio at mga turista.”

“This is a good sign it means new life for the Manila Bay. Sana alagaan eto ng mga tao after marehabilitate wag natin eto iaasa palagi sa gobyerno they can only do so much.”