Mayor Isko, Nag-donate Ng Gadgets Para Sa Online Class Ng Mahihirap Na Kabataan Gamit Ang Kanyang Php8.8-M Talent Fee

Mayor Isko, Nag-donate Ng Gadgets Para Sa Online Class Ng Mahihirap Na Kabataan Gamit Ang Kanyang Php8.8-M Talent Fee

31

Muling hinangaan ng maraming netizens si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos nitong bumili ng higit na 1,000 gadgets na magagamit sa online class ng mga mahihirap na bata sa syudad na kaniyang pinamumunuan na nais makasabay sa online school ngunit walang pambili ng gadget.

 

Ang ginamit naman na pera ni Mayor Isko pambili sa mga gadgets ay ang kita nya mula sa kaniyang mga endorsements sa iba’t ibang kumpanya at brands na tinatayang nasa P8.8-M.

Ang kabutihan na ito ni Mayor Isko ay umani ng papuri sa maraming netizens kung saan ang ilan ay hinihiling na sana pati ang kanilang mayor ay gagawa din ng ganitong kabutihan para sa mga bata sa kanilang lugar.

 

Ang talent fee naman ni Mayor Isko ay mula sa kaniyang mga endorsements para sa Cosmic Technologies Incorporated, Chooks to Go, I am World Coffee, Better Option Pharmaceutical, Powerhouse Tools, and Fruitas.

Sa kabila ng mga batikos na natatanggap ni Mayor Isko para sa mga ginagawa niyang commercial at billboard ads, patuloy naman niyang dinedepensahan ang kaniyang sarili laban sa mga ito at ipinaliwanag na tumatanggap lamang siya ng endorsements dahil nais niyang kumita pa ng pera para matulungan ang kaniyang mga nasasakupan na nangangailangan.

 

Samantala, marami pa ding mga netizens ang natutuwa na ginagamit ni Mayor Isko ang kaniyang talent fee para bumili ng gadgets para sa mga estudyante, lalo na dahil ang target nila ay ang mga mahihirap na estudyante na nag-aaral sa Universidad de Manila.

Sa tulong na din ni Vice Mayor Honey Lacuna, ang butihing mayor ng Maynila ay nakapagbigay ng 1,010 na piraso ng Samsung Galaxy Tab A para sa mga estudyante.

Ani Mayor Isko,

“Alam ko po ang hirap na dinaranas ng ating mga mag-aaral, lalo na mga mahihirap na nasa ating mga pampublikong paaralan. Kaya’t inihahandog po namin ito ni Vice Mayor Honey Lacuna.

Hangad po namin silang matulungan sa kanilang online calsses ngayong may blended learning mode dahil sa pandemyang dulot ng C0VID-19.

Manila, God First!”