Magkapatid, hindi na binalikan ng Ina matapos magpaalam na bibili lang ng payong

2538

Magkapatid, hindi na binalikan ng Ina matapos magpaalam na bibili lang ng payong
Photo credit to Myleen DelosReyes

Magkapatid, iniwan ng Ina

Ang pagiging isang magulang ay isang mabigat na responsibilidad. Ito’y hindi birong tungkulin dahil sa ito ay pang habang buhay. Sa mga magulang nakasalalay ang magiging kapalaran ng kanilang mga anak pag sila ay lumaki. Tungkulin rin ng mga magulang na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak.

Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon may mga magulang na kayang iwan ang kanilang mga anak. Tulad ng sinapit ng dalawang magkapatid sa harap ng isang restaurant sa Valenzuela.

Nag post ang isang crew ng Mang Inasal sa People’s Park sa Valenzuela City tungkol sa magkapatid na inabanduna ng kanilang Ina sa harap ng restaurant.

Photo credit to Myleen DelosReyes

Makikita sa larawan ang isang batang lalaki na karga-karga ang kanyang kapatid sa harap ng restaurant. Tiga Tondo daw sila at iniwan lang sila saglit ng kanilang ina para bumili ng payong ngunit hindi na ito bumalik.

Ayon sa post ni Myleen, nasa harap na ng restaurant ang mga bata 6AM palang ng umaga. Napansin niya ang mga ito na matagal ng nakaupo sa gilid ng restaurant.

Photo credit to Myleen DelosReyes

Ilang oras pa ang nakalipas at nilapitan na ni Myleen ang mga bata para kumustahin at tanungin kung nasaan ang kanilang mga magulang. Sabi ng mga bata habang umiiyak na gusto na nilang umuwi ng Tondo ngunit hindi nila alam kung paano.

Photo credit to Myleen DelosReyes

Nanawagan si Myleen sa mga magulang ng bata na sila ay balikan. Nag trending ang post na ito ngunit wala pang balita kung nakauwi na nga ba ang magkapatid.

Photo credit to Myleen DelosReyes