Magkakapatid, Natagpuan Ang Espesyal Na Pamana Ng Kanilang Ina Makalipas Ang 4 Na Taon

500

Hindi lubos maisip ng pamilyang ito na ang kanilang ina na apat ng taon ang lumipas noong ito ay sumakabilang buhay ay nakapag-iwan pa ng munting pamana para sa kanyang mga anak. Hindi sukat akalain na matapos ang ilang taon ay mahahanap pa nila ito.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Tim Salonga, ay kanyang ibinahagi pera at bagay na kanilang natanggap mula sa kanilang yuma0ng ina. Kwento niya sa kanyang post,

“My mom’s last wish.

It started yesterday, September 23, 2020. It was my Ate Heka’s birthday. Never in my life would have I imagined that I will witness this kind of heartwarming love. My mom d**d 4 years ago, and yet we received something special from her yesterday. I thought I could only see this in movies or dramas pero kame mismo na experience namen ito. So many things happened unexpectedly and I can’t thank the Lord enough and I know this is His will.”

 

Photo from: Facebook/Tim Salonga


 

Nagsimula raw ito nang nagce-celebrate sila ng birthday ng kanyang ate at biglang naisipan ng kanilang mga tita na tignan ang kanilang mga lumang letrato para magbalik tanaw. Habang tumitingin ay sinabi ng kanyang ate sa kanilang mga tita na iuwi na ang ibang mga damit ng kanilang nanay.

Noong tinatanggal na sa mga hanger ang mga damit ay nakapukaw pansin sa kanila ang isang damit na nakatago pa sa loob ng dalawang damit. Mayroon itong bulsa at luma na. At doon ay may napansin sila sa loob ng bulsa.

Natagpuan nila na ang laman ng bulsa ay mayroong Php5,000, tatlong singsing, isang pares ng hikaw at kapirasong sulat. Ito pala ay sulat ng kanilang ina. Ilan beses na raw silang nagpa-tapon ng damit pero ang tanging damit na ito ang bukod tangi nilang hindi nagalaw.

Photo from: Facebook/Tim Salonga

Nakalagay sa sulat,

“Para sa pag-aaral ni Tim, Hazel, Herica ang perang ito. Gagamitin nila ito sa pang negosyo nila at paramihin nila ang konting pamana kong ito sa kanila at may 3 singsing ito at isang pares ng hikaw. Paunlarin niyo ang konting pamana ko sa inyo. Salamat mga anak. -Mama”

Sa sobrang gulat nila ay hindi nila na-analyze ng maayos ang sulat at hindi nila nabasa ng maayos ang nakasulat sa likod ng papel. Matapos nilang mabasa ay mayroong isang bisitang dumating ang kanilang ate at ikinuwento sa kanila ang nangyari, binasa nila ulit ang sulat at doon ay mas naliwanagan sila.

“Tinago ko ito sa makina sa ilalim nya. Kung sino man ang nakakita nito ay ibigay nyo sa mga anak ko. Wag nyong kukunin ang hindi para sa inyo.”

 

Photo from: Facebook/Tim Salonga

 

 

Kaya naman ay naisip ng kanilang ate na buksan ang lumang makina ng kanilang ina na muntik na nilang ipakalkal noon. At doon ay bumungad nga sa kanila ang itinagong passbook at cash ng kanilang ina.

Photo from: Facebook/Tim Salonga

Saad ni Tim,

“Di ko lubos isipin na magagawa ni mama to. Sobrang selfless nya ni hindi ko man sya nakitang bumili ng mga luho nya na hanggang ngayon kame padin ng mga ate ko inisip nya. Ni isa sa amin walang nakakaalam na may ipon si mama. Thank you Lord ginabayan mo kameng makita yung huling pamana ni Mama para sa amin, gagamitin namen ito sa paraan na gusto ni Mama. Salamat Ma, Salamat Lord. Isa sa mga magandang nangyari samin ngayong 2020.”