Lito Atienza muling binanatan ang Manila Bay white sand project: “Walang kwentang proyekto”

Source: Google Images Muling pinuna ni Buhay-partylist Representative Lito Atienza ang proyekto ng Department of Environment and National Re...

1028

Muling pinuna ni Buhay-partylist Representative Lito Atienza ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) na kung saan ay tinatabunan nila ng artificial white sand ang parte ng Manila Bay.

Sa isang interview ay sinabi ni Atienza na isang pag aaksaya ng pera at walang kwenta ang proyekto, na dati ring alkalde ng Maynila at Environment secretary ang nasabing proyekto ng DENR.

“A complete waste of public funds on a worthless project,” sabi ni Atienza.

Ayon sa kanya ay isang malakas na bagyo lang daw ang dumating ay matatanggal din agad ang mga white sand na inilagay ng DENR.

Gawa ang mga nasabing white sand sa dinurog na dolomite na galing pa sa probinsiya ng Cebu.

Naniniwala rin siya na kahit gaano karami pang white sand ang ilagay nila sa Manila Bay ay hindi nito mababago ang maduming tubig nito.

“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,” saad ni Atienza.

“Anybody who swims in the bay’s heavily contaminated waters risks exposure to waterborne pathogenic diseases, including viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis A, dysentery, typhoid fever and all sorts of infections,” dagdag pa niya.

Sinabi niya pa na kung ang dalawang supplier ng tubig sa Maynila ay hindi pagaganahin ang kanilang mga wastewater treatment facilities ay wala ring silibi ang proyekto ng DENR.

Ayon naman sa DENR, hindi basta basta matatangay ng bagyo ang nasabing white sand dahil may gagawin silang “engineering intervention” tulad na lamang geotube na ilalagay upang protektahan ang mga buhangin sa mula sa pagtaas ng tubig o pagdating ng bagyo.

Nilinaw rin ng DENR na hindi P389 Milyon ang ginastos ng gobyerno para sa paglalagay ng white sand kundi P28 Milyon lamang.

“That already covers the price of dolomite sand, transportation cost, taxes, and other fees. That’s the package of the cost including delivery from Cebu to Manila Bay. It’s not 389 million but 28 million,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Ipinatanggol naman ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ang nasabing proyekto.