Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Đẹp khoe ra, xấu xa đậy lại nhưng nhiều ông chồng Vbiz lại có sở thích ‘’ngược đời’’ là dìm hàng người đầu gối tay ấp của mình trên mạng xã hội.

5300

Ang laki nga naman talaga ng tulong ng pagkakaroon ng gadgets para sa atin lalo na sa mga estuyante. Subalit kahit gaano man ito nakakatulong sa ating pang-araw araw na buhay, ito rin ay may hindi magandang epekto para sa ating katawan.

Ito ang mga pangit na epekto ng paggamit ng gadgets na hindi napapansin ng karamihan lalo na sa mga kabataan: 

1. Maaring maging anti-social

Ang paggamit ng gadget ng labis ay maaring magresulta ng pagiging anti-social ng iyong anak sapagkat masasanay ito na cellphone o tablet lang ang kaniyang nakikita o ginagamit. Imbes na nakikipaglaro siya sa labas ng bahay at nakikipagkaibigan, ay mas nakatuon lamang ito sa kanyang gadget.

2. Problema sa pagtulog
Ang labis na paggamit ng gadget ang pumipigil satin upang matulog ng maayos. Sapagkat kapag tayo ay naglalaro gamit ang ating gadgets, ang blue light na ating nakukuha mula dito ay ang nakapagpapapigil ng produksyon ng ating pagtulog.


3. Nababawasan ang pakikipag usap sa mga magulang
Marapat na bigyan ng wastong patnubay at gabay ang iyong mga anak at kontrolin sila mula sa paggamit ng gadget dahil maaring maging isang dahilan ito upang mapalayo ang loob nito sa kaniyang mga magulang sapagkat nawawalan na kayo ng oras para sa isa’t isa. Ang dahilan din nito ay dahil ang lahat ng kanyang oras ay inilaan niya sa paglalaro o panonood mula sa kanyang gadget. Maaari din na kung ano ang makita niya sa internet o sa mga laro na masamang gawain ay maari niyang gayahin at gawin sa ibang tao.

4. Maaring magkaroon ng “Screen Dependency Dis0rder”

Ang paggamit ng gadget ng iyong anak ng buong araw ay ang maaring magkaroon ng epekto sa kanyang kalusugan. Maaari nitong hanap hahanapin pagkagising ang cellphone, tablet o ang kanyang laptop na kung saan nakatutok na lamang siya dito at nakadepende na sa pagggamit ng gadget. Ang tawag dito ay Screen dependency dis0rder o hindi pag alis ng tingin sa screen. Sa sitwasyong ito makakasanayan ng iyong anak ang ganitong gawain at maaari ding magresulta na hindi na siya makikinig sa mga sinasabi mo at mawawalan na siya ng mga interest sa ibang bagay.

5. Pagiging tamad
Ito ay isa sa mga pangunahing epekto ng labis na paggamit ng gadget tulad ng cellphone, tablet at laptop. Mababawasan din ang mga physical activity ng bata sapagkat ayaw na nitong lubayan ang kanyang gadget. Kung mapapansin ang mga bata ngayon ay hindi na marunong sa mga gawaing bahay dahil madalas na lamang silang nakatuon sa kanilang mga gadget.