Limang Nakakaalarmang Panganib Ng Pagtulog Na Katabi Ang Cellphone Sa Higaan!

16444

Marami sa atin ang nakasanayan na gamitin ang cellphone sa higaan bago matulog. At karamihan din sa atin ang nakaugalian na, na katabi ang mga gadgets na ito habang natutulog. Pero kahit na nasa bedside table mo pa ito nakalapag, basta malapit ito sa iyo ay may panganib pa rin itong dinadala.

 
Kaya kung madalas mong ginagawa ang gawaing ito ay dapat mo nang itigil. Narito ang mga nakakaalarmang panganib na dinudulot ng pagtulog na katabi ang cellphone.
 
1. Nag-eemit ng radiation
 
Ang mga electronic devices na ito ay nag-eemit ng electromagnetic radiation na nakakapinsala sa mga cells ng katawan. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, ito ay mas delikado sa mga bata dahil mas manipis ang kanilang mga bungo kumpara sa mga matatanda. 
 
2. Nakakaapekto sa iyong maayos na pagtulog
 
Ang blue light na inilalabas ng cellphone ay isang dahilan na nagdudulot ng pagkasira ng sleep cycle. Isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon ka ng pagkaistorbo sa pagtulog o disturbed sleep ay dahil sa maya’t maya na pagtunog ng iyong cellphone. Kaya makakabuti na ilayo ang iyong cellphone sa iyong tabi kapag magtutulog.
 
3. Maaaring pagmulan ng sunog
 
Hindi maikakaila na karamihan sa mga taong gumagamit ng cellphone ay isinasaksak o china-charge ito sa tabi ng kama o nakalapag mismo sa higaan. Ang gawaing ito ang isa sa mga rason na pinagmumulan ng sunog. Dahil kapag nakatulugan ang pagcha-charge, maaaring uminit at sumabog ang baterya nito. 
 
4. Mahihirapan kang magfocus kinabukasan
 
Ang paglalagay ng cellphone sa iyong tabi ay maaaring maging distraction sa iyong pagpapahinga. At kung ang katawan mo ay kulang sa pahinga, ang iyong utak ay mahihirapang makapagfocus kinabukasan at mawawalan ka ng konsentrasyons sa iyong ginagawa.
 
5. Nakakaapekto sa tamang paggana ng utak
 
Ang nakasinding cellphone ay naglalabas nang radiation na nakakaapekto sa function ng ating utak. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang cellphone radiation ay classified bilang “possible human c*rc*nogen” dahil sa naidudulot nitong mataas na tiyansa sa pagkakaroon ng brain c****r sa madalas at matagalang paggamit ng mga gadgets na ito.