Lasing na Pulis, itinumba at ikinilat ang mga panindang Isda ng isang lalaking may kapansanan.

1188

Source: OFW Secret Files

Napagtripan ng isang lasing na pulis ang isang lalaking may kapansanan sa pagsasalita na nagtitinda ng isda matapos niyang itumba at ikalat sa kalsada ang mga paninda nito.

Ayon kay Olive Abiera na siyang nag-post ng nasabing insidente sa kaniyang Facebook account, mayabang daw talaga ang nasabing pulis sa tuwing siya ay nakakainom.

Natulala na lamang daw ang lalaki habang itinutumba at ikinakalat ng pulis ang kaniyang mga panindang isda. Wala raw siyang magawa dahil nga pulis ito at wala rin umano siyang laban dito.

Komento nga ng iba, naghahanapbuhay naman daw ng maayos ang nasabing lalaking may kapansanan. Subalit, may mga tao raw talagang ginagamit ang katungkulan o posisyon sa lipunan upang manghamak ng ibang tao.

Source: OFW Secret Files

 

Source: OFW Secret Files

 

Source: OFW Secret Files

Narito ang buong post ni Abiera, kalakip ang mga larawan ng nasabing lalaki na napatayo na lamang sa gilid ng kalsada habang tinitingnan ang mga nakakalat na niyang panindang isda.

“Eto po yung may kapansanan na nagtitinda ng mga isda sa palengke, yung pulis na lasing tinumba at ikinalat sa kalsada ang paninda niya, mayabang pag nakainom ang tao nay un hindi man lang naawa sa taong hindi nagkapagsasalita, kinakaya-kaya nya lang yung taong may kakulangan porket kumpleto sya..paki Share na lang po para matulungan natin sya..”