Ito Pala Ang Ibig Sabihin Ng Kulay Ng Iyong Kuko Tungkol Sa Iyong Kalusugan!

946

Ang ating mga kuko ay isa sa mga napapansin ng ibang tao. Hindi ba’t nakakahiya kung mayroon ka laging madumi at pangit na kuko? Kaya naman madalas itong tinatago na lamang gamit ng nail polish o kyuteks upang hindi na lamang ito mapansin ng iba. 

Pero alam mo ba kung ano ba talaga dapat ang natural na kulay ng iyong kuko? Kailangan ring pagtuonan ng pansin ang mga ito dahil nagbibigay ito ng pahiwatig sa ating kalusugan. Ang pagkakaroon ng pinkish na kuko ay ang natural at healthy na kulay nito. 

Kung hindi ganito ang kulay ng iyong mga kuko ay baka mayroong nakatagong karamdaman ang hindi mo nalalaman! Kaya’t narito ang anim na klase ng kulay ng mga kuko at kung ano ang ibig sabihin nito sa iyong kalusugan!

1. Bluish o kulay asul na mga kuko

Kung wala ka namang nail polish at ganito ang kulay ng iyong mga kuko ay dapat kang mabahala. Dahil ang ibig sabihin nito ay nagkukulangan ka sa oxygen o mayroong problema sa iyong respiratory system o sa puso. Sa ibang mga kaso, ang pagkakaroon ng ganitong kulay sa kuko ay mayroong emphys*ma, isang sak!t sa baga na nagdudulot ng kakulangan sa hininga.

2. Namumuti o puti na mga kuko

Dapat kang mabahala kung ang iyong kuko ay namumuti na parang kulay bulak dahil maaari itong senyales na mayroon kang sak!t sa bato o atay. Suriin din kung mayroon pang ibang senyales na ipinapakita ng iyong katawan gaya ng paninilaw ng mata o balat. At makakabuti kung ipasuri ito agad sa doktor.

3. Yellowish / kulay dilaw na kuko

Kung ikaw ay naninig*rilyo, karaniwan na ang ganitong kulay ng kuko dahil pwedeng dumikit na sa iyong kuko ang nic0tine na matatagpuan sa sigar!lyo. Ngunit kung hindi naman, maaaring ito ay senyales ng ps0riasis, isang sak!t sa balat na nagpapabilis ng life cycle ng iyong kutis. Pwede ring senyales ito ng problema sa baga o kaya sa thyroid.

4. Maitim na linya sa kuko

Ito ay indikasyon ng isang trauma, kung hindi naman ay isa itong senyales ng pagkakaroon ng c****r sa balat na tinatawag ring melan0ma. Kung nababahala ka sa ganitong kondisyon, ipatingin sa espesyalisya upang malaman ang dahilan ang ng pagkakaroon nito.

5. Bitak-bitak na kuko

Ang dry at bitak-bitak na mga kuko ay maaaring senyales ng pagkakaroon ng thyroid disease. Samantala ang paninilaw sa gilid ng kuko ay maaaring sanhi ng fung@l inf*ction.
6. Pamumula sa gilid ng kuko

Kung nagkakaroon ng pamumula o pamamaga ng gilid ng iyong kuko ito ay maaaring resulta ng imp*ksyon o iba pang tissue dis0rder. Marapat na malaman kung ano ba ang sanhi ng pamumulang ito.