Isang sánggol na natagpuang nakabalot sa plastic bag at lumulutang sa dagat.

3520

Larawan ay mula sa Trending News – Facebook

Kung may mga magulang na nais magkaroon ng anak, may ilan namang suwerteng nabibiyayaan ng suplíng subalit hindi naman taos sa kanilang puso ang pagiging isang magulang. Dahil dito ay may mga bátang lumalaki sa mundo na puno ng katanungan ang isip sapagkat sánggol pa lamang ay nagawa nang talikuran ng mga sariling magulang.

Tulad na lamang ng isang sánggol na natagpuang nakabalot sa
plastic bag at lumulutang sa dagat.

Ayon sa Facebook page na “Trending News,” “Isang báta binalot ng selopen at tinapon sa dagat, buti nalang may nakakita. Ang tangos ng ilong ng báta. 👃”

Larawan ay mula sa Trending News – Facebook

Makikita sa mga larawang kalakip ng naturang post ang isang sánggol na hawak-hawak na ng isang lalaki matapos matagpuang lumulutang sa dagat.

Naawa naman ang mga netizens sa nangyari sa sánggol at nagkomento pa sa posibleng ugali ng mga magulang nito.

“Sa nagtapon ng báby, sana makita mo ang post na to. And as how you wished this báby would die this way, karma is cooking something more painful for you,” ani ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, wala raw awa ang gumawa nito sa sánggol. Mabuti na lamang at may nakakita rito at nailigtas siya.

Pahayag naman ng isa pang netizen, “Grabe nanay nito parang nagtapon lng ng basura eh.. namuka may buhay yung tinapon mo at galing pa sa sariling laman at dugo mo.. hndi ka nahabag sa bátang walang kamalay malay.. hindi nya ginusto na ipanganak sa mundo, kayo ang gumawa sa kanya tapos ngayon itatapon nyo.. napakawalang puso mo hayúp ka..”

Samantala, sa komento ng netizen na si Nahida Mamarinta Amor, inilagay niya ang isang screenshot mula sa post ng Facebook page na “ADJ quotes.” Mababasa sa naturang post ang mga sumusunod na caption:

“An American sailor found a two-week old healthy báby boy been thrown into the sea in the plastic bag. Somehow the báby didn’t sink but was floating near a ferry and he rescued him just in time.

The báby is well but shivers.

Another heartless mother again, a woman with no brain.”

Larawan ay mula sa Trending News – Facebook

Sa ngayon ay umani na ng higit 20,000 reacts, higit 3,000 comments at halos 22,000 shares ang naturang post.

 

Source: Trending News – Facebook