Isang Misteryosong Babae, Nagbayad Ng Totoong Pera Pero Naging Dahon Pag-Uwi Ng Grab Drayber

Doon na kinabahan at kinutuban na ang driver ngunit itinuloy nya ang pagmamaneho.

433539

Trending ngayon ang isang pasahero na nagbayad umano sa sinasakyan nitong grab driver, ngunit nang makababa ang pasaherong iyon, ay napansin ng drayber ang kanyang wallet na naging mga dahon ang perang ibinayad nito. Narito ang detalyadong kwento.

Tuwing gabi ang mga magigiting nating mga Grab Drivers ay talaga namang nakakabilib sa angkin nilang kasipagan. Sa gabi ay hindi sila kasigurado sa kanilang kaligtasan.

Sa ganitong oras ay hindi inaasahan ng isang Grab Driver sa Malaysia ang nangyari sa kanya. May sumakay daw na isang babae sa kanya at pumwesto ito sa backseat ng sasakyan. Hindi pakiwari ay napansin ng driver na tawa ng tawa ang babaeng sakay nya.

Mula pagkasakay at habang nag babyahe ay walang tigil ang kanyang pagtawa kahit wala namang dapat tawanan at wala din naman syang napansin na may kausap ang babae sa kanyang cellphone. Doon na kinabahan at kinutuban na ang driver ngunit itinuloy nya ang pagmamaneho basta walang ginagawang masama sa kanya ang babae.

Nang makababa ang babae ay nagbayad ito sa kanya ng $2. Kinuha naman ng driver ang bayad at inilagay ang mga ito sa kanyang wallet.

Nang pagkauwi ng drayber ay nakita nya ang kanyang wallet na kulang ang kanyang kinita at nakita lamang ang 8 pirasong dahon. Kung makikita ninyo ang larawan ng mga dahon ay talaga namang nakakakilabot ang pangyayaring ito.

Sabi ng mga netizen ay biktima ang grab driver ng isang tinatawag na hypnosis. Baka daw may angking kapangyarihan ang babae na magbato ng mga spells para maging dahon ang mga pera. Magic mang ituturing ay isa itong halimbawa ng modus o budol budol.

Ang istoryang ito ay magsilbi sanang aral at babala sa mga grab drivers na magkaroon ng ibayong pag-iingat palagi.
Magbaon sana kayo lagi ng katapangan at dasal araw-araw sapagkat ito lamang ang pinakamalakas na sandata na maaari ninyong ipanglaban sa mga masasamang tao o nilalang na pwede ninyong masalamuha.