Hinule ng mga otoridad ang dalawang ginang matapos ireklamo ng paninirang-purl at pagiging tsismosa

Source: Superbalita Cebu A yon sa pag-aaral, kadalasan ang mga taong mahilig sa mag-tsismis ay sila yung mga taong hindi kilala o hindi ma...

367

Ayon sa pag-aaral, kadalasan ang mga taong mahilig sa mag-tsismis ay sila yung mga taong hindi kilala o hindi masyadong napapansin sa kanilang lugar dahil walang nagtitiwala sa kanila at mahilig silang magkalat ng mga sensitibong kuwento tungkol sa ibang tao.

Kadalasan ang mga tismoso/tsismosa ay matatanda o may mga edad na, dahil mahilig silang makipag-usap ng walang kwenta tungkol sa personal na buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Kamakailan lang ay inaresto ang dalawang ginang na sina Mary Grace Catapan, at si Jhallyn Gequillo Varga, na mula sa Barangay Sudlonon at Barangay Gairan, Bogo City, Cebu dahil sa pagkalat ng mapanirang impormasyon tungkol sa ibang tao.

Matapos makatanggap ang mga otoridad ng warrant arrest mula sa korte ay agad-agad na dinakip ang dalawang babae matapos magreklamo si Aileen(hindi totoong pangalan) dahil siya ay pinag-tsismisan at siraan sa isang group chat ng dalawa.

Ayon sa ulat, nalaman ni Aileen na mula pa noong 2017 hanggang 2018 ay sinisiraan na siya ng dalawa.

Source: Superbalita Cebu

“Ang among na discover nga group chat is almost two years nga group chat nga halos everyday ko nila libakon. Kay kon mag vacation mi, i-grab ang among pictures ibutang sa group chat unya i-malign. Nya naa pa toy giingon nga kabit ko. Basta dagha pa,” ayon kay Aileen.

(Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba.)

 
Source: Superbalita Cebu

Ayon sa ulat ng Sunstar, ang dalawang babaeng tsismosa ay may mga anak na nag-aaral sa isang paaralan sa Bogo City, kung saan ay nag-aaral din ang anak ni Aileen.

Ayon kay Aileen, mayroong sampong members ang ginawang group chat nila Catapan at Varga. Ang isa sa mga miyembro dito ay friend ni Aileen sa social media, na siyang kinukuhanan ng pictures pagkatapos ay nilalagay sa group chat saka lalagyan ng malisyang kwento.

Dagdag pa ni Aileen nalaman niya sa group chat na sinasabihan siya ng mga members dito na mayroon siyang problema sa pag-iisip at nagbanta pa na isisilid sa siya septic tank. Sinabi rin ng grupo na ang asawa ni Aileen ay isang magnanakaw. Ineedit din daw ang kanilang mga larawan at ginagawang katatawanan.

Hindi rin matanggap ni Aileen dahil pati ang mga anak niya ay hindi nakaligtas sa mga tismosa, inedit rin nila ang larawan ng kanyang anak at nilagyan ng nakakatawang caption.

Dahil sa mga nalaman ni Aileen, hindi na siya nagdalawang-isip at dumulog na siya agad sa mga otoridad para masampahan ng kaso ang ginawang paninira ng mga tsimosa.

Ayon kay Judge Ramon Daomilas Jr. nilabag ng mga ito ang Section 4 (c) ng Republic Act 10175 o tinatawag na Cyber Lbel. Maaaring makulong ang mga ito ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o di kaya ay magbayad ng multa.

Matapos maaresto, pinayagan naman ng korte na mag piyansa ang dalawa sa halagang P36,000.

Maging babala sana ito sa mga mahilig makialam sa buhay ng iba at mahilig magkalat ng kuwentong ikasisira ng ibang tao.