Grupσ ng mσtσrcycle riders, pinatayuan ng bahay ang isang lσlσ sa Ilσcσs Nσrte!

373

Sa kabila ng kris1s na dulot ng pand3mya at sa mga problema na ating kinakaharap ngayon, nakakatuwa lamang isipin na mayroon pa ding mga tao na mapagmalasakit at handang tumulong sa kapwa nila nangangailangan.

Katulad na lamang ng kabutihan na ginawa ng grupo ng motorcycle riders na Adjo Moto-Piddig na hindi nagdalawang isip na patayuan ng bahay ang isang matanda na mag-isa na lamang naninirahan sa barong-barong na bahay.

Si Lolo Feliciano Domingo, 88 taong gulang ay nakatira sa isang barong-barong na bahay na gawa lamang sa mga lumang mga yero at kahoy sa Barangay Maab-abaca, Ilocos Norte.

Nang makita ng grupo ang sitwasyon ni Lolo Feliciano, nakaramdam sila ng halong lungkot at pagkabahala dahil tila hindi na matibay ang bahay na ito at delikado para sa matanda lalo na sa tuwing dumadating ang tag-ulan.

Si Lolo Feliciano ay mag-isa lamang sa buhay, wala siyang asawa at mga anak.

Saad ni Dhoodz Pajita, presidente ng AMC-Piddig,

“Ang sitwasyon po ni lolo is mag-isa siya sa bahay niya, wala siyang anak, wala pong asawa. Mahirap po ‘yung situation niya.”

Dahil naawa sa sitwasyon ni Lolo Feliciano, nagambag-ambag ang bawat kasapi ng grupo para makalikom ng pera para sa pagpapatayo ng bahay ni Lolo Feliciano.

Ani Pajita,

“Yung pondo po ay galing sa lahat ng members namin bale boluntaryo po sila na nagbibigay, meron po kaming mga member na nasa abroad kaya kapag nalaman po nila na mayroon po kaming charity, kusa po silang nagbibigay kaya ‘yun po ang ginamit namin na pinambili ng mga materyales.”

Ang grupo din mismo ang nagtulong-tulong para magawa ang bahay. Inabot din sila ng 12 na araw bago ito matapos. Labis naman ang kasiyahan ni Lolo Feliciano at pasasalamat sa grupo dahil mayroon na siyang ligtas at komportableng bahay na hindi na siya mag-aalala o mangangamba pa sa tuwing darating ang tag-ulan.