Estudyante, Walang Pambili Ng Bagong Tsinelas Pero Nakuha Pang Bigyan Ng Saging Ang Kanyang Guro Bilang Pasasalamat

402

May mga mag-aaral sa malalayong lugar na nagsusumikap pa ring makapasok sa eskwelahan kahit na napakalayo ng kanilang nilalakbay araw-araw. Minsan dahil sa kapos sa buhay ang kanilang mga magulang ay hindi man nila maibili ang kanilang mga anak ng bagong tsinelas kaya naman pinagtitiisan na lamang ang sira-sira at pudpod na sapin sa paa. 
Gayunpaman, hindi ito nagiging hadlang sa kanila upang pumasok at matuto sa paaralan. 
Isang guro ang naantig ang puso sa kanyang isang estudyante dahil sa kabutihang loob nito sa kanya. Ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account at kinilala bilang si Teacher Ryan James Duenas. Ayon sa kanyang post, ay kakatapos lamang ng kanilang prelim activities at 30 minute reading intervention nang ang isa sa kanyang mga estudyante at napaka-late ng dumating.

Nahihiyang pumasok ang bata sa classrom at ang isang estudyante ay sinabihan si Teacher Ryan na nakarating na si Manuel suot-suot ang nasira nitong tsinelas.

Pagkapasok nito sa classroom ay nakita niya na may tila kinakalkal ang bata sa kaniyang bag. At noong tinawag niya ito upang mabaling ang atensyon nito sa klase ay nagulat na lamang ang guro na binibigay ng bata ang mga dala nitong saging para sa kanya.

Masayang iniabot ni Manuel ang mga saging sa kanyang guro bilang pasasalamat nito sa kanya. 
Di lamang ang guro ang naantig sa kabutihang loob na ipinakita ng bata kung hindi maging ang mga netizens na nakabasa ng post na iyon. Sinasabi ng ilan na maaaring walang pambili ng bagong tsinelas ang bata ngunit napaka-laki ng puso nito at naisipan pa niyang bigyan ng munting regalo ang kanyang guro bilang pasasalamat. 

Wika ng ilan na baka sarili pa nilang tanim ang saging na dinala ng bata. Gayunpaman ay napakabait pa rin nito at napaka-thoughtful.
Kaya naman bilang pasasalamat ay niregaluhan rin ni Teacher Ryan ang kanyang estudyanteng si Manuel ng bagong sapatos noong sumunod na araw na pumasok ito sa klase.
Source: Facebook