Dismayado ang isang babae matapos bumili ng Pustiso online ng ito ay kanyang isukat [Video]

4188

Source: Mary Sharapova

Sa panahon ngayon, hindi maitatanggi na ang online shopping ay talagang malaking tulong para sa lahat. Isipin lamang na sa pamamagitan ng pag-scroll sa iyong cellphone o computer ay habang nasa bahay, ay makakabili ka na ng iyong mga kailangan at ihahatid pa mismo ito sa iyong bahay. Hindi mo na kailangan pumunta physically sa department store upang mamili ng gamit.

Gayunpaman, ang online shopping ay nangangailangan din ng maraming pag-unawa at pagbabasa pagdating sa mga detalye ng mga produktong sinusubukan mong bilhin. Nagkaroon na ng hindi mabilang na mga kwento ng mga taong bumili ng mga bagay sa online ngunit kung ano ang naihatid sa kanila ay lubos na naiiba sa kanilang inaasahan.

Source: Mary Sharapova

Sa kwento ni Mary Sharapova, hindi na ito bago sa mga nag viral na kwento ng online shopping. Nag-order siya ng pustiso online para magamit at pamalit sa kanyang nasirang mga ngipin. Ngunit tila iba ang ikinalabasan ng kanyang order kaysa sa nakalagay sa mga litraro.

Source: Mary Sharapova

 

Ayon sa kanyang post, noong una ay excited pa siya dahil dumating na ang kanyang order na “Perfect Smile” matapos ang paghihintay ng halos tatlong buwan. Hindi na siya makapag hintay na masubukan ito para mas maayos tignan ang kanyang mga ngipin.

Source: Mary Sharapova

 

Sa kanyang pagkadismaya, ang mga pustisong natanggap niya ay wala sa malapit sa inaasahan niya. Masiyadong malapad ang pustiso at masiyadong malaki ang mga ito para sakanyang bibig. Nababatak lamang ang kanyang bibig kapag sinuot niya ito at hindi siya makapagsalita pag suot na niya ito.

Hindi tuloy maiwasang matawa ng maraming netizen sa itsura ni Mary. Umani ito ng maraming mga nakakatuwang kumento.

Panoorin ang kanyang video:

Source: Mary Sharapova