Dalawang lalaƙing nagTιƙTσƙ challenge saƙay ang motor huli ng mga Pulis.

297

Nauuso ngayon sa social media ang mga TikTok challenge lalo na sa mga mahihilig mag TikTok. Maraming netizens ang nakikichallenge para makiuso o baka gusto lang talaga nila ng challenge sa buhay nila.

Gaano man kahirap ang challenge may mga tao pa din na gagawa at gagawa nito. Komplikado man ay ggwin pa din nila kahit malagay sa alanganin masabi lang na nagawa nila itong challenge na ito.

Gaya na lamang ng dalawang lalaking ito na taga Don Benedicto, Salvador Negros Occidental na kung saan ginawa ang isang TikTok challenge na nakasakay sila Motor.

Ayon sa isang pulis na nakapansin sa dalawa. Napansin nila ang dalawang lalaking ito na nakasakay sa motor at nagvivideo. Ayon pala ginagawa na nila ang “Toco-Toco Challenge” ng TikTok.

Kaya naman agad na pinahinto ang dalawang lalaki habang ginagawa ang challenge. Base sa pulis na nakakita, ang dalawang lalaking ito ay nakasuot ng damit pangbabae.

Patunay daw ito na seryoso ang dalawang lalaki sa kanilang challenge na ginagawa. Hindi lamang malinaw kung tinikitan ba ang dalawa o may nagawang violation.

Agad naman nagviral sa social media ang naganap sa lugar na ito.

Maraming netizens ang natawa sa dalawang lalaki dahil daw masyado nilang sineryoso ang challenge na naging dahilan ng kanilang pagkakasita.

May iba namang nagbiro pa na sana hinayaan muna ng mga pulis na matapos ang kanilang ginagawang challenge at tsaka na lamang hinuli. Ang iba naman ay nag sabing “KJ” ang humuli sa dalawa.

Gayun pa man, mas madami pa din ang netizens na nagalala sa kaligtasan ng dalawang lalaki.

Ayon sa kanila, mas mabuti ng nasita sila kesa naman daw mauwi sa hindi magandang pangyayari o madisgrasa.

Dagdag pa ng ilan, sana pinarusahan na lamang ang dalawa upang di na ulitin o gayahin ng ibang nagtatangka na gumawa nito. Hindi naman na daw mga bata ang 2 na ito kaya alam na nila ang mga tama o mali.

Hindi nagustuhan ng nakakarami na ilalagay mo sa alanganin ang iyong sarili upang makakuha lamang ng atensyon o papuri mula sa iba. Dahil baka pagsisihan pa daw sa huli kapag hindi naging maganda ang kalalabasan.

Bagama’t hati ang mga reaksyon ng mga netizens tungkol dito. Sigurado namang naging trending o viral silang dalawa sa social media.

Ikaw? Handa ka din bang ilagay sa alanganin ang sarili mo makakuha lang ng atensyon mula sa netizens? O maging viral?