Adrian Alandy, Binatikos Si Pangulong Duterte At Sinabi Na Maraming Pilipino Ang Nagsisi Na Binoto Ito Noong Eleksyon

Hindi napigilan ng actor na si Adrian Alandy na maglabas ng kaniyang saloobin tungkol sa lahat ng nangyayari sa bansa at batikusin ang Pangulo.

1460

Hindi napigilan ng actor na si Adrian Alandy na maglabas ng kaniyang saloobin tungkol sa lahat ng nangyayari sa bansa at batikusin ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang Twitter post noong April 2 ngayong taon, sinabi ni Alandy na maraming Pilipino na ang nagsisisi na binoto nila si Duterte noong 2016 presidential election.

Aniya,

“Sobrang daming Pilipino ang nagsisisi na ikaw ang binoto na mamuno sa Pilipinas.”

Wala namang takot na ipinost ito ni Alandy ang kaniyang hinanaing tungkol sa Duterte Administration sa kaniyang Twitter account sa kabila ng mga nakaraang resulta ng survey na nagpapakita na si Pangulong Duterte ay sikat pa din at marami pa ding mga Pilipino ang sumusuporta dito.

Samantala, nakatanggap naman ng batikos si Alandy sa ilang mga netizens. Ilan pa nga sa ito ay sinabihan ang actor na laos na at nakikisawsaw na lamang sa issue.

Komento ng Twitter user na si @youJAZZdotcom,

“Laos nakisawsaw na lang sa issue.”

Saad naman ni @kaileloujie,

“Aba kuya, sa gitna ng crisis nagka time ka magpa survey? Reliable source mo? Hindi bias? Pwede mo ipakita ang results and discussion para naman maniwala kami kasi inferential na ginagawa mo eh wala ka pangang data.”

Pahayag ni @hisuka85,

“Maraming mamayang pilipino parin ang naniniwla sa kanya !!lalo na kaming taga mindanao, pero proud kami sya naging pangulo ng Pilipinas kayo lang mga artista daming dada sa social media pweeh.Virus kalaban natin hindi ang Pangulo..Unity hindi pagsisisi.”

Sinagot naman ni Alandy ang mga batikos sa kaniya ng netizen sa Twitter at sinabi na lahat ng mga sumusuporta kay Pangulong Duterte ay nagagaya na sa paraan niya sa pagsasalita.

Aniya,

“Gotta give credit to all supporters of President DU30. Kapareho nyo na magsalita ang idolo nyo. Lots of curs1ng and name calling. Tamang ehemplo eh.”

Noong April 1, binatikos din ni Alandy ang National Bureau of Investigation at kinwestiyon ang mga ito sa ginawa nilang desisyon na paimbestigahan si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Saad ni Alandy sa kaniyang Twitter post,

“Medyo t4nga lang ang NBI. Medyo hindi ata nag-iimbistiga.”

Dagdag niya,

“National Bureau of Investigation (NBI) hindi marunong mag-imbistiga!!! Hassle diba?!”