8 Rason Kung Bakit Dapat Kumain Ng Petchay Para Sa Puso, Mata, Buto At Iba Pa!

H'Hen Ni Suyễn đã có mặt tại Thái Lan để ủng hộ Nhật Hà trước thềm chung kết. Thấy người bạn đang đối mặt với nhiều áp lực, cô mới có bài đăng kêu gọi sự ủng hộ trên mạng xã hội.

1122

8 Rason Kung Bakit Dapat Kumain Ng Petchay Para Sa Puso, Mata, Buto At Iba Pa!

Ang petchay o tinatawag ding “bok choy” sa ibang bansa ay isa sa mga pinakamasustansyang berdeng gulay. Sa ibang bansa ng Asya, ito ay naitala na isang halamang gamot na ginagamit ng mga taga China.

Ginagamit ng mga ancient Chinese healers ang petchay para sa mga sak!t gaya ng lagnat, ubo, at paso. Malamang bukod sa mga karamdamang nagagamot nito ay may mga natatago pa itong medikal na benepisyo. Narito at alamin ninyo!

1. Pampatibay ng buto
 
Ito ay naglalaman ng bitamina K at calcium na importante sa pagpapanatiling matibay ang mga buto at ngipin. Ang kombinasyon ng dalawang ito ay nakakapagpatatag sa bone matrix at nababalanse sa uric acid level ng katawan.
2. Para sa kalusugan ng puso
 
Ang petchay ay isang berdeng gulay na may sapat na amount ng fiber kasama ang ibang mineral tulay ng phosphorus at magnesium. Kaya naman ito ay nagbibigay ng powerful heart protection sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng mga arteries, paglalabas ng bad cholesterol, at pagpapaganda sa takbo ng ating puso.
3. Pangmaintain sa normal na presyon
 
Ang magnesium na taglay ng gulay na ito ay may pampakalmang epekto sa ating mga nerves at nakakapagpaayos sa magandang daloy ng dug0. Ito rin ay hindi nagtataglay ng sodium kaya talagang benepisyal para sa puso. 
4. Panlaban sa anemia
 
Ang anemia ay dulot ng kakulangan sa iron ng katawan. Ang sak!t na ito ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa kalusugan kapag pinabayaan. Upang maiwasan ito, marapat na isama sa pagkain ang petchay dahil nakakapagbigay ito ng iron sa katawan.
5. Para sa kalusugan ng mata
 
Pinopromote ng petchay ang pangkalahatang kalusugan ng paningin. Ang beta carotene na taglay nito ay nakakapagbigay ng proteksyon sa mata laban sa katarata at glaucoma. Pinapababa rin nito ang tiyansang magkaroon ng macular degeneration na maaaring mauwi sa pagkabulag kung hindi inagapan.
6. Pampalakas ng resistensya
 
Napakasimple lang naman ang dapat gawin upang mapalakas ang resistensya. Isa na rito ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa nutrisyon tulad ng mga green leafy vegetables. Ang pagsasahog ng petchay sa mga lutuin ay nakakatulong upang mapalakas ang immunity laban sa mga imp*ksyon at sak!t.
7. Pinapaganda ang digestion ng pagkain sa tiyan
Noon pa man ay ginagamit na ang gulay na ito kapag may problema ka sa iyong tiyan o sa pagdudumi. Isinasaayos nito ang tamang digestion ng pagkain upang mas mapadali ang paglalabas ng dumi.
8. Pampaganda sa balat
 
Hindi lamang sa labas inaalagaan ang balat, dapat ay sinisimulan din ang pag-aalaga nito sa loob. At magagawa iyan sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing nakakatulong sa produsyon ng collagen tulad ng petchay. Ang collagen ay importante sa pagpapanatiling healthy ang balat at maiwasan ang maagang paglitaw ng mga wrinkles.