7 Nakakamanghang Benepisyo Ng Paglalagay Ng Yelo o Ice Cube Sa Mukha Para Pampaganda

752

Dala ng mainit na panahon at matinding sikat ng araw, hindi maikakaila na ang ating balat ay nagsisimulang maging mukhang stressed at dull. Dahil dito, ang pagpahid ng ice cube o yelo sa mukha ay nakaka-refresh sa pakiramdam. 
Kapag araw-araw ay nakakaranas ng stress ang iyong mukha at balat, ang ice facial ay makakatulong sa iyo upang maibalik ang dating glow ng mukha. Narito at alamin ang benepisyong hatid nito kaya naman nagiging beauty trend ito.


1. Nakakapagpaliit ng pores

Kapag mainit ang panahon, ang ating mga pores sa mukha ay naka-open. At kung palaging ganito ang sitwasyon, mas maraming dumi ang kumakapit sa ating mukha at maaaring siyang maging dahilan kung bakit tinutubuan ng tigyawat. Ang pagpahid ng ice cube sa iyong mukha matapos itong hugasan ay nakakatulong upang mapaliit ang iyong mga pores at maiwasan ang pag-accumulate ng dumi.

2. Ibinabalik ang glowing skin

Lahat naman ay ninanais na magkaroon ng makinis at glowing skin. At ang murang solusyon para dito, pagmasahe ng ice cube sa iyong mukha. Nakakatulong kasi itong ma-improve ang sirkulasyon ng dugo sa mukha upang mas magmukha itong glowing at radiant.


3. Mapigilan ang pagdami ng mga tigyawat

Ang pagsasagawa ng ice facial gabi-gabi bago matulog ay makakabawas sa oil production sa mukha na siyang nagpapalala ng mga tigyawat. Mabisa rin itong pang-iwas sa tumutubong tigyawat at mabawasan ang pamumula ng mga ito. 


4. Pangbawas sa pamamaga ng mata at eyebags

Ang pagkakaroon ng eyebags ay nakakapagpatanda sa ating itsura. Bukod sa pamamaga ay nagkakaroon pa ito ng itim sa ilalim ng mata. Upang maiwasan ito, magpahid lamang ng ice cube sa paligid ng mata at i-massage ito ng paikot ikot. Makakatulong itong mabawasan ang pamamaga.

5. Pinagmumukhang flawless ang mukha

Ang ice facial ay maaari ring isagawa bago mag-apply ng make-up. Ito ay isang karaniwang beauty hack na ginagawa ng mga propesyonal na make-up artist dahil nakakatulong itong maging flawless ang mukha at mas magmukhang fresh.


6. Para sa heat rashes

Mayroong mga tao na kapag na-eexpose sa sobrang init at pawis ay tinutubuan ng namumulang pantal-pantal sa mukha na tinatawag na heat rashes. Upang maiwasan ang mga ito, ang pagpahid ng yelo ay isang natural na remedyo. Nakakatulong itong mabawasan ang implamasyon at pangangati na dulot ng heat rashes. 

7. Binabawasan ang paglitaw ng mga wrinkles o kulubot

Habang tumatanda ay lumalabas ang mga kulubot o wrinkles sa mukha. Ang pag-apply ng ice cube sa iyong mukha ay nakakatulong ma-control ang paglitaw ng mga ito at iba pang signs of aging. Iniiwasan rin nito ang formation ng mga bagong mga linya sa mukha.