6 Panganib Na Maaaring Maidulot Ng Pagkonsumo Ng Maalat Na Pagkain

350

Karaniwang ginagamit ang asin, toyo, patis at vetsin bilang mga pampalasa sa mga lutuin. Marahil iba-iba ang ating panlasa pagdating sa pagkain, minsan hindi natin namamalayan na napapasobra na pala tayo sa pagkain ng maalat at maasin na pagkain.


Bukod sa mga condiments, ang pagkain ng maalat gaya ng chitchirya, instant noodles, canned goods, pagkain sa mga fastfoods, etc. ay kasama rin sa mga listahan ng mga pagkaing maaalat. Kagaya ng kasabihan na anumang sobra ay hindi maganda para sa kalusugan. Ito ang mga karaniwang panganib na ipapakita ng katawan kapag napaparami na ng pagkain ng maalat!

1. Madaling pagkauhaw

Ang pagkauhaw ng madalas ay isa sa mga karaniwang senyales na napaparami ang iyong pagkain ng maalat. Dahil ang sobrang asin sa katawan ay nagsisilbing parang magnet at hinihilang palabas ang tubig sa mga selula. Kaya naman ang iyong utak ay nagpapadala ng senyales na nagkukulangan ng tubig ang iyong katawan, kaya ka madaling mauhaw.


2. Pamamaga sa iba’t ibang parte ng katawan

Kapag mataas ang nakokonsumo mong maalat na pagkain, nagkakaroon ng water retention sa loob ng katawan na siyang nagdudulot ng pamamaga o swelling. Maaaring may kasama itong bloating sa tiyan o di kaya ay pamamaga ng paa at sa ilalim ng mata.

3. Pananak!t ng ulo

Hindi maganda ang sobrang asin/ sodium ay hindi maganda sa katawan dahil ineexpand nito ang ating mga ugat at pinapataas ang pressure sa mga ito na maaaring magdulot ng m!graines at pananak!t ng ulo.


4. Pagtaas ng presyon

Napatunayan sa mga pag-aaral na ang mataas na lebel ng sodium sa katawan ay nagpapataas ng water at blo0d volume sa katawan. At kapag mas madami ang volume ng dug0, lumuluwag ang daluyan nito na siyang nagdudulot ng high blo0d pressure o hypertension kung tawagin.

5. Pagdami ng ihi

Mataas na konsentrasyon ng asin sa katawan ay nakakaistorbo sa ating kidneys dahil hindi nagkakaroon ng mabuting absorption ng tubig. At dahil ito ay nakakapagdulot ng labis na pagkauhaw, mabilis tayong mapapainom ng tubig na ang resulta ay mas dadalas din ang ating pagihi.


6. Tumataas ang tiyansa sa pagkakaroon ng komplikasyon sa puso

Dahil ang maalat at maasin na pagkain ay nakakapagpataas ng presyon, mayroon din itong masamang epekto sa puso. Ang mga ibang kasamang sintomas nito ay kakulangan o kahirapan sa paghinga, at mabilis na pagtibok ng puso.