15-anyos na Lalaki, na-comatose matapos umanong ma-‘OVERUSED’ sa paggamit ng gadget

1706

15-anyos na Lalaki, na-comatose matapos umanong ma-'OVERUSED' sa paggamit ng gadget

Source: Sebial Alaisa / Facebook

Viral ngayon sa social media ang istorya ng isang 15-anyos na lalaki matapos ma-comatose dahil umano sa sobra-sobrang paggamit nito ng kanyang gadgets.

Sa Facebook post ni Sebial D. Alaisa na orihinal na ibinahagi nitong Mayo 18, nagpahayag siya ng paalala sa mga mobile gamers na magkaroon ng kontrol sa paglalaro ng mga mobile games.

Ang 15-taong gulang niya kasing pinsan na lalaki ay sobra-sobra kung gumamit ng kanyang gadget. “Late” na raw itong matulog dahil sa paglalaro at paggamit ng kanyang cellphone. Dahil dito, na-comatose raw siya at kailangang operahan sa ulo.

Source: Sebial Alaisa / Facebook

 

Source: Sebial Alaisa / Facebook

 

 

Source: Sebial Alaisa / Facebook

 

Caption ni Alaisa sa kanyang post, “To all gamers dyan..please minimize guyz ..keep it control lang sa paglalaro nang mobile gamers..not good to ur health.. Isa din ako dyan addict din sa pag gamit nng gadget…gusto kulang e share kc yong cousin ko 15 years old pa sya na coma at kailangan sya operahan tommorow sa ulo..dahil sa palaging pag cp at paglalaro…late na matulog dahil sa paglalaro or paggamit nang mga gadgets… Please pray for his recovery😢😢 and please guyz controlin na natin pag cclphone…for our health lalo na ngayon na quarantine walay lainglingaw..basta control LNG guys😢 #please pray 😭😭”

Makikita nga naman sa mga larawang kalakip ng naturang post ang isang payat nang binatilyo na nakaratay sa isang kama habang may mga aparatong nakakabit sa kanyang katawan. Masisilayan din sa post ang mga litratong nagpapakita ng tila pagsusuri ng mga doktor sa kalagayan ng binatilyo.

Source: Sebial Alaisa / Facebook

Source: Sebial Alaisa / Facebook

Samot-saring reaksyon naman ang inani nito mula sa mganetizens.

Sabi ng isa, “Very misleading. Please do not blame gaming here. It is the discipline of the guy. Probably forcing himself to play non stop without proper rest, sleep, and probably skipping meals. And also, he might have underlying sickness which was triggered by his poor lifestyle. So please, do not mislead that gaming kills. Indiscipline does.” Dagdag pa niya, “Kahit late matulog, if nababawi naman ang tulog, all good. If kumakain pa rin ng enough meals, all good.”

Pahayag naman ng isa pang netizen, magulang din daw dapat ang gumagabay at tumitingin sa mga bata, lalo na raw ang mga edad 12 pababa. Sila raw dapat ang maglimita sa kanilang mga anak sa paggamit ng mga gadgets.

Ani naman ng isa, “DISCIPLINE!!!!! That’s all we need. Hindi lang sa mga gamers. May God Bless and heal you Kiddo.